Rotational brownouts, ipinatutupad sa Cebu City at Mandaue City matapos ang lindol
Bagaman naibalik na ang suplay ng kuryente sa Cebu City at Mandaue City, patuloy naman ang pagpapatupad ng rotational brownouts dahil sa kapos pa rin ang kuryente.
Sa abiso ng Visayan Electric Company o VECO, isang oras na rotational brownouts ang ipinatutupad sa Barangay sa Lungsod.
Apektado ng rotational brownouts ang Barangays Ermita, T. Padilla, Kamagayan, Roque, Tinago, Sto. Nino, Parian, Tejero, at ang North reclamation area sa Cebu City.
Sa Mandaue City naman apektado ang Barangays Tipolo at Subangdaku.
Samantala, sa pinakahuling abiso naman ng National Grid Corporation, sinimulan na muli ang pagsasagawa ng testing sa kanilang Ormoc Substation 1.