Halaga ng pinsala sa Leyte quake, umabot na sa ₱51.7M – NDRMMC
Pumapalo na sa mahigit 51.7 million pesos ang halaga ng pinsalang idinulot ng pagtama ng magnitude 6.5 na lindol sa Leyte noong nakaraang linggo.
Ayon sa National Disaster Risk Reduction and Management Council, nasa 1,700 kabahayan ang napinsala ng pagyanig kung saan mahigit 700 rito ang tuluyang nawasak.
Bukod sa gumuhong gusali, nagkabitak-bitak na mga silid-aralan at natumbang tore ng kuryente, labing-apat (14) na kalsada at sampung (10) tulay rin ang nagtamo ng pinsala.
Please follow and like us: