Knee replacement procedures para sa mga may severe osteoarthritis, available na sa Pilipinas sa murang halaga
Available na sa Pilipinas ang implant para sa mga taong dumaranas ng late stage osteoarthritis.
Ang osteoarthritis ay isa lamang sa maraming uri ng arthritis na nakakaapekto sa maraming bilang ng populasyon sa Pilipinas.
Ang pasyenteng may ganitong sakit ay nakararanas ng pananakit, pamamaga at paghihirap sa pag galaw ng mga joints o kasu-kasuan.
Maaari itong maranasan sa alinmang bahagi ng kasukasuan ng katawan, ngunit mas karaniwan itong nararamdaman sa mga kamay, sa tuhod, sa balakang at sa spine.
Available na sa Pilipinas ang implant na ginagamit para sa procedure na tinatawag na knee replacement.
Ginawa ito sa bansa sa pakikipagtulungan ng Philippine Council for Health Research and Development o PCHRD –DOST sa pangunguna ni Dr. Jaime Montoya, executive director ng PCHRD.
Kaugnay nito, ang naturang implant ay kabilang sa makikita sa mga exhibit sa gaganaping National Science and Technology Week 2017 na sinimulan ngayong araw at magtatapos sa Hulyo 15, 2017.
Ulat ni: Anabelle Surara