Sen. Trillanes walang balak mag-sorry sa mga kasamahang Senador na tinawag niyang lapdog
Walang balak na mag-sorry si Senador Antonio Trillanes sa ginawa niyang pagbatikos sa mga kapwa Senador matapos silang tawaging puppet at umano’y lapdog ng Malacanang.
Katwiran ni Trillanes, hindi dapat sensitibo at maarte ang mga opisyal sa mga kritisismo na batay sa kaniyang obserbasyon.
“Why should i apologize for what i think is true? they may not like the language that i used but it won’t deflect from the fact that what i said was my observation and what i believe was true, mga political figures tayo dito eh. huwag naman tayo masyadong maarte”. – Sen. Trillanes
Nauna nang sinabi ng ilang Senador na posibleng hindi na ireklamo sa Ethics Committee si Trillanes kung hihingi ito ng sorry.
Pero para kay Senador Sonny Angara, hindi na dapat patulan si Trillanes lalo na ang pang-iinsulto nito sa mga kapwa mambabatas.
Ito ang mananagot sa publiko at hindi ang mga Senador na tinawag nitong lapdog.
Marami pa aniyang isyung dapat pagtuunan ng pansin pero wala silang magagawa kung may Senador na maghahain ng reklamo laban dito.
Ulat ni: Mean Corvera