Local Government officials sa Marawi City na hinihinalang protektor ng Maute group, paiimbestigahan ng Senado
Marami umanong dapat ipaliwanag ang mga lokal na opisyal ng Marawi City matapos ang ginawang pagsalakay at tangkang pagkubkob ng Maute group sa Lungsod.
Ayon kay Senador Gringo Honasan, Chairman ng Senate Committee on Defense na isusulong niya ang imbestigasyon laban sa mga Local Government officials na hinihinalang protektor ng Maute group.
Gagawin niya ito kapag humupa na ang tensyon sa Marawi City at sa oras na masimulan ang rehabilitasyon at rekonstruksyon sa mga lugar na nasira ng bakbakan.
Partikular na nais malaman ni Honasan kung paano malayang nakapasok at nakapag-imbak sangkatutak na bala at malalakas na armas at iba pang suplay ang grupong Maute.
Nauna nang sinabi ng militar na nakatanggap sila ng report na pinagplanunahan ng Maute group ang pag atake sa Marawi City sa nakalipas na 8 taon.
Ulat ni : Mean Corvera