Suplay ng kuryente sa buong Eastern Visayas, hindi pa tiyak kung kalian maibabalik – NGCP
Niliwanag ng pamunuan ng National Grid Corporation of the Philippines na marami ang nasirang transformers sa linya ng mga kuryente na naidulot ang lindol sa probinsya ng Leyte.
Ayon kay Edna Legaspina, Media Relations Officer ng NGCP, nagpapatuloy pa hanggang ngayon na palitan ng kanilang mga tauhan ang mga nasirang transformer sa iba’t ibang parte ng probinsya.
Dagdag pa ni Legaspina, bukod sa mga nasirang transformer, may isang tore ang bumagsak sa Tongonan.
Una rito, inihayag ng NGCP na apektado ang kanilang operasyon dahil sa malakas na ulan at aftershocks.
Samantala, hindi naman nagpalabas ng eksaktong petsa si Legaspina kung kailan maibabalik ang suplay ng kuryente sa buong Eastern Visayas.