Publiko hinikayat na makiisa sa mga isinasagawang pagsasanay ukol sa lindol – NDRMMC

Hinikayat ng National Disaster Risk Reduction and Management Council o NDRRMC ang publiko na makiisa sa mga isinasagawang aktibidad ng pamahalaan kaugnay sa paghahanda sa mga kalamidad tulad ng lindol.

Sa panayam ng Usapang Pagbabago sinabi ni NDRRMC Spokesperson Mina Marasigan , kailangang seryosohin at maging puspusan ang mga pagsasanay para magkaroon ng tamang kaalaman ukol sa lindol.

Dahil dito , sisikapin ng mga lokal na pamahalaan na paigtingin pa ang kanilang mga programa tulad ng earthquake drill upang maging handa ang nakararami sa sandaling tumama ang malakas na lindol.

“Hindi na tayo information campaign lang ang kailangan natin ang mga kongkretong programa kailangan ng participatory approach , kailangan ang involvement ng ating mga kababayan para magkaroon sila at makiisa sa ating mga pagsasanay para magkaroon sila ng kaalaman at i-feed na sa kanila ang mga inisyal na gagawin kapag nagkaroon ng pagbabantay ng isang kalamidad”. – Marasigan

Ulat ni: Marinell Ochoa

 

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *