Halaga ng pinsala sa mga imprastraktura sa Leyte dahil sa lindol umaabot na sa halos ₱80M
Umaabot na sa halos walumpung milyong piso ang halaga ng pinsala sa mga imprastraktura sa Leyte dahil sa magnitude 6.5 na lindol na yumanig doon kamakailan.
Batay sa pinakahuling report ng NDRRMC, kabuuang 79.64 million pesos ang cost of damages sa mga kalsada, tulay, national building at mga ospital sa Ormoc City at Kananga.
Pinakamalaking halaga ng pinsala ay sa mga kalsada na umaabot sa 68.58 million pesos habang 8.7 million pesos naman ang sa mga tulay.
Kaugnay nito, labing-apat na road sections at labing-isang tulay sa mga lalawigan ng Leyte, Biliran at Southern Leyte ang napinsala ng lindol pero nanatiling passable.
Ulat ni: Moira Encina