Ormoc City government, humingi na ng tulong para sa mga biktima ng magnitude 6.5 na lindol
Humihingi na ng tulong ang Ormoc City government para sa mga biktima ng magnitude 6.5 na lindol na tumama sa lungsod noong nakaraang linggo.
Ayon kay Ormoc City Mayor Richard Gomez, tatagal na lang ng dalawang araw ang imbak nilang suplay ng pagkain.
Kaya umaapela si Gomez na tulungan ang kanyang mga kababayan na nahihirapan sa mga evacuation center.
Maaari aniya maipadala ang mga cash donation sa pamamagitan ng Ormoc City Chamber of Commerce sa kanilang Security Bank account na C-A 00-00-00-66-54-49-3.
Sa tala ng pamahalaang panlungsod ng Ormoc nasa isandaan at apatnapung milyong piso ang kakailanganin nilang pondo para sa rehabilitasyon ng mga nasirang bahay at gusali.