Pagpapatupad ng Nationwide Smoking Ban sa mga pampublikong lugar, mahigpit na ipatutupad ng DOH
Mahigpit ang gagawing pagpapatupad ng Nationwide Smoking Ban sa mga pampublikong lugar.
Sa panayam ng programang Feedback sinabi ni DOH Spokesman Asec Eric Tayag sa July 22 na ang effectivity ng nilagdaan ni Pangulong Duterte na E.O. Number 26 noong Mayo 16.
Aniya simula sa nabanggit na petsa ay sisimulan na ang panghuhuli sa mga lalabag sa kautusan.
Binigyan naman ng kapangyarihan na manghuli ng mga lalabag sa batas ang mga pulis at ang mga itinalagang smoking task force.
“Ayon po sa ordinansa pinaiiral ng pamahalaang lokal o ng smoking task force at ayon sa mga probisyon ng tobacco regulation maaring patawan ng penalty ang mga lalabag sa nasabing executive order”. – Tayag