Assessment ng militar sa Martial Law sa Mindanao,isinasapinal na ng AFP
Isinasapinal na ni Armed Forces Chief of Staff General Eduardo Año ang assessment ng militar sa Martial Law sa Mindanao.
Ayon kay AFP Spokesman Brig. Gen. Restituto Padilla, ang assessment sa Mindanao Martial Law ay naibigay at naisumite na kay AFP Chief General Año.
Pinag-aaralan na aniya ito ni Año at ilalagay ang kaniyang input para maisumite na sa dDpartment of National Defense.
Hindi naman sinabi ni Padilla kung inirekomenda ng AFP ang pagpapalawig ng Martial Law sa Mindanao.
Please follow and like us: