Imbestigasyon sa Mamasapano massacre planong pabuksan sa Senado

Pinag aaralan na ng Senado ang muling pagbubukas ng imbestigasyon sa nangyaring masaker sa Mamasapano sa Maguindanao.

Kasunod ito ng desisyon ng Office of the Ombudsman na kasuhan ng graft at usurpation of authority si dating Pangulong Noynoy Aquino.

Katwiran ni Senador Richard Gordon, Chairman ng Senate Committee on Justice, hindi pa lumalabas ang katotohanan sa nangyaring pagmasaker sa mga tauhan ng PNP Special Action Force katunayan wala pang nangyaring closure noon sa imbestigasyon ng Committee on Public Order na pinamunuan ni Senador Grace Poe.

Para kay Gordon mahinang kaso ang inirekomenda ng Ombudsman laban sa dating Pangulo at iba pang sangkot sa krimen.

Kung siya ang magre-review sa kaso dapat mas mabigat na parusa gaya ng multiple homicide at reckless imprudence ang isinampa laban sa mga ito batay na rin sa mga ebidensya.

Ulat ni: Mean Corvera

 

 

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *