Plano ni Sen. Gordon na buksan ang imbestigasyon ng Senado sa Mamasapano massacre, kinastigo ni Sen. Trillanes
Kinastigo ni Senator Antonio Trillanes si Senador Richard Gordon sa planong pabuksan ang imbestigasyon sa Mamasapano massacre kasunod ng pagsasampa ng kaso laban kay dating Pangulong Aquino.
Hindi pabor si Trillanes sa hakbang ni Gordon dahil mas uunahin pa ang pagdidiin sa dating Pangulo sa halip na imbestigahan ang libu-libong biktima ng extra judicial killings.
giniit ni Trillanes na hanggang ngayon nakapending sa komite ni Gordon ang mga resolusyon na humihiling ng imbestigasyon sa mga kaso ng EJK.
Pero ang nakakulong na si Senador Leila de Lima bukas sa naging hakbang ng Ombudsman at ng Senado.
Marahil ito ang nais ng pamilya ng apatnaput apat na tauhan ng PNP- SAF na napatay sa bakbakan.
Magandang pagkakataon rin aniya ito para kay Aquino na linisin ang kaniyang pangalan.
Ulat ni: Mean Corvera