Pangulong Duterte, kumbinsido na sinadya ng Ombudsman na sampahan ng kaso si dating Pangulong Aquino kahit alam nitong maibabasura lang din ito

Kumbinsido si Pangulong Rodrigo Duterte na sinadya ng Office of the ombudsman ang rekomendasyong kasuhan si dating Pangulong Noynoy Aquino kaugnay sa Mamasapano incident kahit alam nitong kalaunan ay mababasura lang din ito.

Sinabi ni Pangulong Duterte na bugok ang rekomendasyon ng Ombudsman na kasuhan ng usurpation of authority si Aquino.

Ayon sa Pangulo, bilang dating government prosecutor, alam nitong walang patutunguhan ang kaso kundi basurahan dahil prerogative o opsiyon ni Aquino na kumuha ng adviser para sa Oplan Exodus at nagkataong si suspended PNP Chief Alan Purisima ang kanyang pinagkakatiwalaan sa operasyon.

Iginiit pa ng Pangulo na maari ding akuin ni Aquino ang mga naging desisyon ng kanyang adviser sa operasyon at mga opisyal ng AFP at PNP noon dahil sa nasabing panahon, walang makakakuwestiyon sa dunong at diskresyon ng Commander-in-Chief.

 

 

 

 

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *