Limang buwang extention ng Martial Law sa Mindanao inihirit ni Pangulong Duterte sa Kongreso
Hindi lamang panibagong animnapung araw ang inihirit ni Pangulong Rodrigo Duterte sa isasagawang special session ng Kongreso para palawigin ang Martial Law sa Mindanao dulot ng Marawi City crisis.
Sa briefing sa Malakanyang binasa ni Presidential Spokesman Ernesto Abella ang personal letter ni Pangulong Duterte kina Senate President Aquilino Pimentel III at House Speaker Pantaleon Alvarez na dapat palawgin pa ng limang buwan o hanggang December 31 ng taong kasalukuyan ang Martial Law sa buong Mindanao.
Ayon kay Abella pangunahing isinaalang-alang ng Pangulo sa pagpapalawig ng Martial Law sa Mindanao ay ang kaligtasan ng publiko.
Inihayag ni Abella ibinatay lamang ng Pangulo ang kanyang desisyon sa Martial Law extension sa Mindanao sa rekomendasyon at assessment ng militar at pulisya dahil hindi pa tuluyang nawawasak ang terorismo sa Mindanao na inihahasik ng teroristang Maute group.
Ulat ni: Vic Somintac