Militar umaming nagrekomenda ng Martial Law hanggang Disyembre

President Benigno S. Aquino III hands over the command symbol to 57th Philippine Army (PA) Commanding General, Army Major Genearal Eduardo Año from former outgoing commanding General Lt. Gen Hernando IriberriAFP Chief of Staff, during the PA Change of Command Ceremony at the PA Gym in Fort Bonifacio, Taguig City on Wednesday (July 15, 2015). Añoi is the commander of the Army’s 7th Commander of the 10th Infantry “Agila” Division Cum Laude Graduate and a member of the Philippine Military Academy (PMA) “Matikas” Class of 1983. (Photo by Gil Nartea / Malacañang Photo Bureau)

 

Ang militar  ang nagrekomenda kay Pangulong Duterte na palawigin hanggang Disyembre ang Martial Law sa Mindanao.

Sa security briefing na isinagawa sa mga Senador, sinabi ni AFP Chief of Staff Eduardo Ano na nagkalat pa rin sa Mindanao ang mga teroristang grupong kasabwat ng Maute.

Nais rin aniya nilang makatiyak na  hindi na mauulit ang nangyaring pagsalakay ng grupong Maute sa iba pang lalawigan sa Mindanao.

Depensa naman ni National Securiry Adviser Hermogenes Esperon, mahalaga ang pag iral ng Martial Law para mabilis na matapos ng gobyerno ang rehabilitasyon at maibalik ang peace and stability sa Mindanao.

Kasama aniya sa pagbabalik ng peace and order ang konstruksyon ng mga gusali, tulay, kalsada at mga tanggapan ng gobyerno na nawasak dulot ng bakbakan.

Ang mga Senador nakumbinse naman  sa paliwanag ng security forces ng gobyerno.

Pero hindi ito nangangahulugan na papaboran na nila ang limang buwang Martial rule sa Mindanao.

Ayon kay Sen. Richard Gordon naiintidihan nila ang hirit ng Palasyo para mas mapabilis ang trabaho lalo na sa recovery operations ng buong Marawi na nawasak dulot ng bakbakan pero dadaan pa ito sa mahabang debate.

Hinihingi rin ang mga Senador ang detalye sa militar  kung ano ang gagawing mga hakbang sa loob ng limang buwang Martial Law.

Ang oposisyon sinusuportahan ang Martial Law dahil sa matagumpay na implementasyon.

Bilang katunayang walang naitalang anumang mga pag-abuso o anumang human rights violations.

 Ulat ni: Mean Corvera

 

 

 

 

 

 

 

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *