Supplemental budget ng militar isusulong ng oposisyon sa Senado
Pinag-aaralan na ng oposisyon sa Senado ang pagsusulong ng panukala para mabigyan ng supplemental budget ang militar.
Ayon kay Senate Minority Leader Franklin Drilon, hindi na kakayanin ng militar ang pakikipagsagupa sa mga terorista sa susunod na mga araw dahil sa kakapusan ng resources.
Ayon kay Drilon, saludo siya sa matagumpay na implemetasyon ng Martial Law sa Mindanao dahil walang naitalang anumang mga pag abuso o human rights violations.
Pero hindi pa siya kumbinsido kung kakailanganin ang Martial Law extension na maaring tumagal pa ng limang buwan.
Ulat ni: Mean Corvera
Please follow and like us: