Mahigit ₱2.6B na labor cases naisaayos ng DOLE sa unang taon ng Duterte administration
Ipinagmalaki ng Department of Labor and Employment na naisaayos nila ang mahigit 2.6 billion pesos na mga kaso sa paggawa sa unang taon ng administrasyong Duterte.
Ayon kay Labor Secretary Silvestre Bello III, 2.68 billion pesos na collective bargaining benefit at iba pang kahilingan para sa mahigit 57,000 na manggagawa sa halos 35,000 na labor cases.
Kabilang aniya sa mga pangunahing kaso sa paggawa na naisaayos ng DOLE ay ang Kepco SPC Power Corporation kung saan umabot ng 130-million pesos na economic package ang naigawad sa 96 empleyado.
Sinabi ni Bello na nakatulong ang aktibong pagkilos ng Labor Management Cooperation at Grievance Machineries ng mga kumpanya sa pagresolba ng di-pagkakaunawaan.
Ulat ni: Moira Encina