Mga Senador suportado ang hakbang ng gobyerno na ipatigil ang peacetalks sa NPA
Suportado ng mga senador ang desisyon ng gobyerno na ipatigil ang back channel talks sa rebeldeng New Peoples Army.
Kasunod ito ng pag atake ng NPA sa convoy ng Presidential Security Group sa Cotabato City.
Ayon kay Senador Gregorio Honasan, tama lang ang ginawa ng gobyerno dahil mismong ang National Democratic Front na nagre represent sa NPA ay walang kontrol sa mga miyembro nito.
Katunayan hindi aniya nito mapigilan o kahit makondena ang ginawang pag atake ng mga rebelde.
Sabi naman ni Senador Joel Villanueva, naiintindihan niya ang dahilan ng Pangulo.
Tila nakikipaglokohan na lang ang gobyerno sa pakikipag usap sa CPP NPA NDF dahil sa kabila ng peacetalks tuloy naman ang pag atake ng mga miyembro nito.
Ulat ni: Mean Corvera