Isang US Congressman, tutol na tumuntong si Pangulong Duterte sa White House
Isinusulong ng isang US Congressman ang pagbabawal kay Pangulong Rodrigo Duterte na tumuntong sa White House.
Ayon kay Massachusetts Representative Jim Mcgovern, tila walang pagpapahalaga ang Pangulong Duterte sa karapatang pantao dahil sa patuloy na pangangalandakan sa mga napapatay na suspek sa kampanya ng administrasyon nito kontra iligal na droga.
Sa isinagawang pagdinig ng Tom Lanston Commission sa war on drugs ng Pangulong Duterte, tiniyak ni Mcgovern ang pangunguna sa protesta kapag inimbitahan sa White House ang Pangulo ng Pilipinas.
Kasabay nito, tinawag ni Mcgovern, co-chair ng Human Rights Commission na “badly managed” ang patuloy na bakbakan ng militar at Maute group sa Marawi City.