AFP, suportado ang desisyon ni Pangulong Duterte na kanselahin ang peacetalks sa CPP NPA NDF
Suportado ng pamunuan ng Armed Forces of the Philippines sa naging desisyon ni Pangulong Duterte na suspendihin ang peacetalks sa CPP-NPA-NDF hanggang hindi tumitigil ang komunistang grupo sa kanilang extortion activities at pag-atake sa government forces.
Sinabi ni AFP Spokesman Col. Edgard Arevalo, tama lamang ang sinabi ng Pangulo na wala ring saysay kung ipagpapatuloy ng pamahalaan ang peacetalks kung nagpapatuloy pa rin sa kanilang iligal na aktibidad ang mga miyembro nito.
Tiniyak ni Arevalo na suportado nila ang anumang hakbang ng pamahalaan lalo na sa pagsusulong ng kapayapaan upang mapaunlad ang bansa.
Sinabi pa ni Arevalo na dahil sa mga kaganapan sa North Cotabato kung saan ilang miyembro ng Presidential Saecurity Group ang nasugatan, gayundin sa Palawan kung saan binaril-patay ang dalawang sundalo habang namamalengke, at sa iba pang lugar, patunay lamang na hindi sinsero ang komunistang grupo sa peace talks