Pangulong Duterte binantaan ang NPA na sisingilin sa inutang na buhay ng mga sundalo at pulis
Galit na binantaan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang New Peoples Army o NPA dahil sa patuloy na pag-atake sa tropa ng pamahalaan.
Sinabi ng Pangulo na pagkatapos ng problema sa teroristang Maute group ay magsasagawa siya ng re-orientation sa tropa ng pamahalaan para singilin ang mga NPA na pumatay ng mga sundalo at pulis.
Ayon sa Pangulo ang patuloy na ginagawang pag-atake ng NPA sa tropa ng pamahalaan ang dahilan kaya kinasela niya ang usapang pangkapayapaan sa mga rebeldeng komunista.
Lalong nagalit ang Pangulo sa NPA nang tambangan ng mga ito ang mga kagawad ng Presidential Security Group o PSG sa Arakan North Catabato at pagpatay sa dalawang kagawad ng Philippine Marines sa Palawan.
Ulat ni: Vic Somintac