Pagpapalawig sa Martial Law tiyak na umanong lulusot bukas ayon sa oposisyon
Sigurado na ang paglusot bukas sa hirit ng Pangulo na mapalawig pa ang Martial Law sa Mindanao.
Ayon kay Senate Minority Leader Franklin Drilon, wala na siyang nakikitang problema para hindi maaprubahan ang Martial Law.
Paliwanag ni Drilon, joint voting ang paraan ng pagboto at mayorya sa Kongesista ay kaalyado ng Pangulo.
Ang nakikita lang na problema ni Drilon ay kung maaprubahan ang ipinapanukalang limang buwan ng Pangulo.
Nauna nang umapela si LP Presidente Francis Pangilinan sa mga kapwa Senador at Kongresista na busisiin munang mabuti ang mga batayan bago aprubahan ang limang buwang extension sa pangambang makaapekto ito sa turismo at pagnenegosyo sa Mindanao.
Ulat ni: Mean Corvera