SALN ng mga SC Justice inilabas na, Justice Francis Jardeleza pinakamayamang mahistrado

Inilabas ng Korte Suprema ang summary report ng Statements of Assets, Liabilities & Net Worth o SALN ng mga mahistrado ng kataas-taasang hukuman noong 2016.

Pinakamayaman sa 15 mahistrado ng Supreme Court si Justice Francis Jardeleza na may networth na mahigit 252 million pesos.

Pangalawa naman si Justice Mariano del Castillo na may mahigit 139 million pesos na networth, pangatlo si Justice Benjamin Caguioa na may 122 million pesos na networth.

Sumunod si Senior Associate Justice Antonio Carpio na may 83 million pesos na networth habang panglima naman si Justice Estela Perlas-Bernabe may networth na 78.29 million pesos.

77.8 million pesos naman ang networth ni Justice Bienvenido Reyes na sinundan ni Justice Diosdado Peralta na mayroong 44 million pesos, pangwalo sa pinakamayaman  na mahistrado ay si Justice Jose Mendoza na mayroong 41M pesos na networth.

Ikasiyam si Justice Lucas Bersamin na mayroong 41M pesos na yaman, pangsampu naman si Justice Samuel Martires na mayroong mahigit sa 40M pesos na network.

Nasa ikalabing- isang pwesto naman si Chief Justice Ma Lourdes Sereno na mayroong 24 million pesos  na yaman ,sinundan naman ni Justice Presbitero Velasco na mayroong 18M pesos , mahigit 17M pesos naman ang networth ni Justice Teresita Leonardo de Castro , sumunod naman ni Justice Noel Tijam na mayroong halos 16M pesos networth at ang pinaka mahirap sa 15 mahistrado ng SC ay si Justice Marvic Leonen na mayroon lamang 3 million pesos networth.

Ulat ni: Moira Encina

 

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *