Malacañang nanawagan sa publiko na manuod at makinig sa Ikalawang SONA ni Pangulong Duterte
Makatotohanan ngunit puno ng pag-asa ang magiging talumpati ni Pangulong Rodrigo Duterte sa kaniyang pangalawang State of the Nation address bukas. Hulyo 24.
Bukod sa pagiging realistiko, sinabi ni Presidential spokesperson Ernesto Abella na magiging challenging at prangka ang kalalabasan ng talumpati ng Punong Ehekutibo.
Ayon sa kalihim, tatalakayin din sa SONA ang mga naging achievements at sitwasyon sa ilang mga usapin sa bansa at ilalatag din ng Pangulo ang kanyang mga plano sa pamamalakad sa bansa.
Sinabi pa ni Abella na nakasalin sa wikang Ingles ang nakahandang talumpati ni Duterte dahil doon umano komportable ang Pangulo.
Sa tantiya ng kalihim, posibleng abutin ng 50 minuto ang talumpati ng Pangulo kung dere-derecho lamang siya sa pagsasalita ngunit maaaring abutin naman ng isang oras at 30 minuto kung may mga komento pa ang Pangulo.
Nanawagan rin ang Malacañang sa sambayanan na manuod at makinig sa SONA bukas upang malaman ang mga tunguhin ng kasalukuyang administrasyon.
(tonilaborte)