Red Tide alert, itinaas sa baybayin ng apat na lalawigan sa bansa

Inilabas ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources o BFAR ang nationwide red tide alert advisory sa apat na lalawigan dahil sa mataas na amount ng Paralytic Shellfish Poison o Red Tide.

Kabilang sa advisory ang Irong-irong bay sa Western Samar, Puerto Princesa bay sa Palawan, at mga karagatang sakop ng Mandaon at Placer sa Masbate.

Dahil dito, pansamantalang ipinatitigil ang pagbebenta at pagkain ng lahat ng uri ng shellfish at alamang na galing sa mga nabanggit na lugar.

Ang pagkain ng mga nasabing lamang dagat sa mga baybayin na positibo sa red tide ay maaaring magdulot ng gastrointestinal at neurological illness.

Pinapayagan naman ng BFAR ang pagkain ng isda, squid, hipon at alimango basta’t nahugasang mabuti ang mga ito.

Nananatili namang ligtas sa red tide toxin ang mga natitirang karagatan ng bansa kabilang ang coastal waters ng Cavite, Navotas, Bulacan at Manila Bay.

 

 

 

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *