SONA speech ni Pangulong Duterte, magiging prangka at realistiko
Inilarawan ni Presidential Spokesman Ernesto Abella ang magiging talumpati ni Pangulong Rodrigo Duterte sa kanyang ikalawang State of the Nation Address na prangka, challenging, realistiko subalit may hatid na pag-asa.
Sinabi ni Abella na ang SONA speech ng Presidente ay maglalahad ng mga nagawa sa unang taon ng administrasyon at kung ano ang mga hamong kinakaharap sa kasalukuyan at ang mga magagawa pa sa susunod na 5 taon.
Wikang ingles aniya ang gagamitin ng Pangulo sa kanyang talumpati at kung walang magiging adlib ang Presidente ay aabutin ng 50 minuto ang kanyang inihandang speech.

Nanawagan ang palasyo sa publiko na manood at makinig sa SONA para malaman kung saan papunta ang bansa sa ilalim ng Duterte administration.