Seguridad para sa SONA, pinaigting ng NCRPO

Pinaigtingin ng pamunuan ng National Capital Region Police Office ang seguridad sa ikalawang SONA ni Pangulong Rodrigo Duterte, bagaman walang direktang nakikitang banta ang mga otoridad.

Ang naturang paghigpit ng seguridad ay may kaugnayan sa magkakasunod na mga pag-aatake na inilunsad ng komunistang grupo sa iba’t-ibang bahagi ng bansa.

Ayon kay NCRPO Chief PDir. Oscar Albayalde, mayroon silang ipinatupad na security protocols para sa mga militanteng grupo na magsasagawa ng kilos protesta.

Sinabi ni Albayalde, batay sa kanilang pagpupulong sa mga lider ng militanteng grupo, nakiusap ang PNP sa mga ito na bantayan ang kanilang hanay sa posibilidad na baka malusutan ang mga ito ng mga indibidwal na may hindi magandang layunin.

Kasunod nito nanawagan din si Albayalde sa mga militanteng grupo na magsagawa ng mapayapang demonstrasyon para maiwasan ang anumang kaguluhan sa isasagawang aktibidad.

 

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *