Mga manggugulong raliyista aarestuhin – Albayalde
Tiniyak ng Pambansang Pulisya na kanilang aarestuhin ang sinumang raliyista na lalabag sa batas.
Ito ang tiniyak ni National Capital Region Police Office Chief, Police Director Oscar Albayalde.
Sinabi ni Albayalde na may mobile jails silang idedeploy para rito ikukulong ang sinumang lalabag sa batas.
Aniya, ang mga miyembro ng CDM ay hindi armado, pero may mga police personnel din naka-standby sakaling may mangugulo.
Binigyang-diin ng heneral na mahigpit nilang ipapatupad ang maximum tolerance laban sa mga raliyista.
Ayon kay Albayalde higit 6,300 na mga pulis ang kanilang idedeploy, partikular ang mga miyembro ng PNP Crowd Disperal Management Team na siyang magbabantay sa mga raliyista.
Tinatayang nasa 12,000 hanggang 15,000 na mga raliyista ang magtitipon-tipon ngayong araw.