MMDA, magpapakalat ng 600 tauhan para sa SONA ni Pangulong Duterte
Mahigit 600 na tauhan ng Metropolitan Manila Development Authority ang itatalaga sa ikalawang State of the Nation Address ni Pangulong Rodrigo Duterte para mapanatili ang maayos na daloy ng mga sasakyan sa Commonwealth Avenue at sa kahabaan ng EDSA.
Ayon kay Roy Taguinod, Director ng Traffic Enforcement Unit ng MMDA, nasa 645 personnel ang kanilang itatalaga kabilang dito ang mula sa mga towing, road emergency group, rescuers at street sweepers.
Sila ang unang itinalaga sa SONA at sila rin ang huling aalis pagkatapos nito, dahil bukod sa magmamantina sa inaasahang mabigat na daloy ng mga sasakyan, ang maglilinis ng mga naiwang kalat ng mga nagsagawa ng kilos protesta ay kanilang mga street sweeper.
Bilang bahagi pa rin ng paghahanda, maglalagay sila ng plastic barriers sa mga kalsada para magsilbing gabay ng mga motorista.