Pagkain ng itlog, ikinampanya ng DOH partikular sa mga bakwit
Kung merong kasabihan na “an apple a day, keeps a doctor away”.
Naglunsad naman ang Department of Health ng programang tinawag na “an egg a day, keeps a doctor away”.
Ito ay dahil sa nais ng DOH na mabigyan ng sapat na nutrisyon lalo na ang mga batang may edad lima hanggang labing apat na taong gulang na siyang sakop ng nabanggit na programa.
Ayon kay Health Secretary Paulyn Ubial, nakababahala na ang madalas na kinakain ng mga bakwit ay noodles, at mga de lata na walang sustansiyang idudulot sa katawan bagkus mataas pa ang posibilidad na magdulot pa ng sakit lalo na sa panig ng mga bata.
sinabi ni ubial na ang programang nabanggit ay tatagal hanggang sa makabalik ang mga evacuees sa kani kanilang tahanan.
Samantala, batay sa mga pag aaral, maituturing na “superfoods” ang itlog dahil marami itong taglay na nutrients at vitamins na makatutulong sa kalusugan.
Kabilang sa benepisyong taglay ng itlog ay mayaman sa vitamin b,c,d, e, k at maraming iba pa.
Taglay din ng itlog ang anim na gramo ng protina kung kaya’t mainam na pagkunan ito ng protein na kailangan ng katawan.
Kaya naman, maging tayo na hindi bakwit, ugaliin nating kumain ng itlog isang beses sa isang araw.
Ulat ni: Anabelle Surara