Pangulong Duterte, nakiusap sa Senado na ipasa ang Tax Reform Package
Naki-usap si Pangulong Rodrigo Duterte sa Senado na ipasa ang Tax Reform Package.
Lubos din ang pag-asa ng Pangulo na susuportahan ng Senado ang nasabing panukala.
Kasunod nito, hinimok din ni Pangulong Duterte ang Kongreso na ipasa ang iba pang legislative priorities, kabilang na ang pagpapanumbalik sa parusang bitay.
Bukod dito, nanawagan din ang punong ehekutibo sa Kamara na bumuo ng batas na magtatatag ng bagong ahensya na tututok sa usapin na may kaugnayan sa kahandaan sa mga kalamidad at disaster response issues.
Please follow and like us: