Gorio, naging ganap na bagyo na – PAGASA

Lalo pang lumakas ang bagyong Gorio habang papalayo sa bansa.

Ayon sa PAGASA, isa na itong ganap na tropical storm at mas makakahatak pa ng hanging habagat.

Huling namataan ang sentro ng bagyo sa layong 595 km sa Silangan ng Casiguran, Aurora.

May taglay itong lakas ng hangin na 65 kph at may pagbugsong 80 kph.

Kumikilos ang bagyo nang pahilaga Hilagang Kanluran sa bilis na 13 kph.

Wala namang itinaas na anumang tropical cyclone signal warnings.

 

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *