Maraming Pinoy tiwala na walang epekto sa ekonomiya ang idineklarang Martial Law sa Mindanao ni Pangulong Duterte

President Rodrigo Roa Duterte, in his speech during the Philippine Orthopaedic Association (POA) 27th Midyear Convention at the SMX Convention Center in Davao City on May 4, 2017, reiterates that he is bent on fulfilling his campaign promises including eradicating corruption, illegal drugs and criminality among others. RENE LUMAWAG/PRESIDENTIAL PHOTO

Naniniwala ang maraming Pilipino na walang epekto sa ekonomiya ng bansa ang idineklarang Martial Law sa Mindanao ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Sa pinakahuling survey ng Social Weather Stations kung saan lumalabas na 44 na porsyento ng mga Pinoy ang walang nakikitang epekto sa ekonomiya ang batas militar.

Dalawampu’t apat  na porsyento naman ang naniniwalang mas gaganda pa ang lagay ng ekonomiya ng bansa habang 33 porsyento ang nangangambang lumala ang lagay ng ekonomiya.

Dahil dito, lumalabas na mayroong negative 9 National balance opinion na nasa ilalim ng borderline na “neutral”.

Isinagawa ang survey sa may isanlibo dalawandaang  respondents noong Hunyo 23 hanggang 26.

 

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *