Utang ng Pilipinas, patuloy ang paglobo sa pagbaba ng halaga ng piso kontra dolyar
Patuloy ang paglobo ng utang ng Pilipinas.
Ito ay dahil sa pagbaba ng halaga ng piso kontra dolyar.
Sa pinakahuling tala ng Bureau of Treasury, umaabot na sa halos 6.417 trillion pesos ang outstanding debt ng gobyerno sa unang anim na buwan pa lamang ng 2017.
Mas mataas ito ng 7.9 percent kung ikukumpara sa 5.948 trillion pesos lamang noong June 2016.
Malaking bahagi ng kabuuang pagkakautang ng gobyerno ay mula sa domestic debt na nasa 4.186 trillion pesos.
Habang nasa 2.231 trillion pesos naman ang external debt ng bansa.
Inihayag pa ng BOT, malaki ang epekto ng patuloy na pagbulusok ng halaga ng piso kontra dolyar sa paglobo ng pagkakautang ng gobyerno.