Labis na pagkonsumo ng isang uri ng asukal magdudulot ng panganib sa kalusugan

Nananawagan ang Philippine Center for Diabetes Education Foundation Incorporated sa publiko, private, medical practioners and institutions na lalong paigtingin pang lalo ang pagtuturo sa Pilipino tungkol sa panganib na idudulot ng labis na pagkonsumo ng mga produktong nagtataglay ng fructose.

Ayon kay Dr. Augusto Litonjua, Founder at presidente ng PCDEF, marami sa mga kababayan natin ang hindi nakaaalam na ang fructose, isang uri ng asukal na matatagpuan sa prutas at matatamis na pagkain at inumin ay maaaring maging sanhi ng isang health condition na kung tawagin ay metabollic syndrome.

Ang metabollic syndrome ay isang cluster of condition na nagiging sanhi para magkaroon ng high blood pressure, high blood triglycerided, low levels of HDL cholesterol at insulin resistance.

Payo ni Dr. Litonjua, limitahan ang pagkain at inuming sagana sa asukal upang maiwasan ang tinatawag na metabollic syndrome.

Ulat ni: Anabelle Surara

 

 

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *