Lalaki sa Germany, araw-araw nilalangoy ang Isar River para makaiwas sa trapik papasok sa trabaho
Isang lalaki sa Germany na araw araw nilalangoy ang ilog para makapasok sa kaniyang trabaho.
Katwiran ni Benjamin David, nilalangoy niya ang Isar River sa layuning makaiwas sa matinding daloy ng trapiko.
Dalawang kilometro ang layo ng ilog na kanyang nilalangoy para lamang makarating siya sa kaniyang opisina sa Kulturstrand.
Aniya ,bukod sa makakaiwas siya sa siksikan sa tren at polusyon sa kalsada dulot ng mga sasakyan ay nag-eenjoy at nakakapag relax pa si David bago makapasok sa trabaho.
Gagdag pa ni David , bukod sa makakatipid siya sa pamasahe ay ito na rin ang nagsisilbi nyang exercise sa umaga.
Ulat ni: Marinell Ochoa