Imbestigasyon sa umano’y pagkakapatay kay Mayor Reynaldo Parojinog ayaw panghimasukan ng Senado
Ipauubaya na ng Senate Committee on Public Order and Dangerous Drugs sa Department of Interior and Local Government at National Police Commission kung iimbestigahan ang nangyaring raid sa bahay ni Ozamiz City Mayor Reynaldo Parojinog.
Ayon kay Senador Panfilo Lacson, Chairman ng komite, ang DILG at NAPOLCOM na ang bahalang sumuri kung nagkaroon ng lapses sa operayson ng PNP.
Pero kumbinsido si Lacson na posibleng nanlaban si Parojinog kaya napatay ito at ang mga tauhan nito.
Batay aniya sa pahayag ni DILG Assistant Secretary Ricojudge Echiverri may probable cause para isilbi ang multiple search warrant sa bahay ni Parojinog.
Hindi rin aniya napatay si Parojinog sa detention facility gaya ng nangyari kay Albuera Leyte Mayor Rolando Espinosa.
Si Parojinog ay kabilang sa mga binalaan noon ni Pangulong Duterte dahil sa pagiging Narco politician.
Ulat ni: Meanne Corvera