Underwater swimmer sa Venezuela na nakasungkit ng bagong World Record
Pasok sa Guinness World of records ang 41 anyos na professional free diver na si Carlos Coste makaraan niyang lumangoy at sumisid sa ilalim ng tubig ng may distansyang 177 meters o 580 feet and 8.5 inches ng habang pigil nito ang kaniyang paghinga.
Dahil dito ay nakuha ni Carlos ang titulong Longest Distance Swam Underwater with One Breath (open water) sa Guinness.
Nalangoy ni Carlos ang nasabing distansiya sa loob ng tatlong minuto at limang segundo.
Ang makapigil hiningang challenge na ito ni Carlos ay isinagawa sa Kralendijk, Bonaire, the Netherlands at sinaksihan din ito ng International Association for Development of Apnea.
Ulat ni: Violy Escartin