BI nagpalabas ng bagong patakaran para sa mga opisyal at kawani ng mga LGU na magbabakasyon sa ibang bansa

Nagpalabas ang Bureau of Immigration ng bagong patakaran para sa mga opisyal at kawani ng mga Local Government Unit na magbabakasyon sa ibang bansa.

Ayon sa BI,  hindi na obligado ang mga LGU official at employee na magprisinta ng travel authority sa mga Immigration Officer sa mga paliparan kung magbibiyahe sila abroad.

Kailangan lang na ipakita ng mga ito ang kopya ng kanilang approved leave.

Pero nilinaw ng BI na hindi aplikable ang bagong polisiya sa ilang mga halal na opisyal ng gobyerno  gaya ng mga City at Municipal Mayorsat Vice Mayor, Bise Gobernador at mga Konsehal na kailangan pa ring magprisinta ng travel authority mula sa DILG kung mahigit sa tatlong buwan ang kanilang biyahe sa ibang bansa.

Pero kung di lalagpas ng tatlong buwan ang kanilang pananatili sa ibang bansa ay maari na ang aprubado nilang leave application.

Para naman sa mga Gobernador at Mayor ng highly urbanized at Chartered Cities, obligado pa rin ang mga itong magpakita ng travel authority mula sa DILG Undersecretary kahit ano ang layunin at haba ng kanilang biyahe abroad.

Ulat ni: Moira Encina

 

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *