Sen. Gringo Honasan, kinasuhan na ng Ombudsman sa Sandiganbayan kaugnay ng PDAF scam
Naisampa na sa Sandiganbayan ang kaso laban kay Sen. Gringo Honasan kaugnay ng pork barrel scam.
Dalawang bilang ng kasong graft ang isinampa ng Ombudsman laban kay Honasan kaugnay ng umano’y iregular na paggamit ng kanyang PDAF.
Si Honasan na ang ika-apat na highest-ranking legislator na nakasuhan kaugnay sa PDAF scam.
Ang una ay sina dating Senador Juan Ponce Enrile, Jinggoy Estrada, at Bong Revilla.
Sa imbestigasyon ng Ombudsman inirelease ng DBMang 30 milyon halaga ng PDAF ni Honasan para sa livelihood projects sa Muslim communities sa National Capital Region at Zambales nang hindi sumusunod sa procurement process.
Ulat ni : Madelyn Villar – Moratillo