Publiko, pinag-iingat ng DOH sa Influenza
Lalo pang pina-iigting ng DOH ang kampanya laban sa mga tinatawag na W-I-L-D diseases na ang kahulugan ay mga sakit na tulad ng Water borne diseases, Influenza, Leptospirosis at Dengue.
Sa mga nabanggit, sinabi ni DOH Asec. Eric Tayag na mahigpit ang kanilang pagmomonitor ngayon laban sa Influenza dahil sa ngayon ay tumataas ang kaso ng trangkaso, ubo, sipon dahil may Influenza epidemic ngayon sa kalapit nating bansa.
“Yung i-influenza, uso ngayon ang trangkaso, ubo sipon, minomonitor namin sapagkat may influenza epidemic sa hongkong yung HCM2 at sa India ung H1N1, meron tayo nun dito, ibig sabihin maari tayong magkaroon ng outbreak”. – Asec. Tayag
At dahil panay na naman ang pag ulan, pinayuhan din ni Tayag ang publiko na huwag ipagwalang bahala kapag nakararamdam ng paglagnat dahil maraming ibig sabihin ang lagnat kung kaya kumunsulta agad sa manggagamot.
Ulat ni: Anabelle Surara