Pangulong Duterte hands off sa impeachment complaint laban kay Chief Justice Maria Lourdes Sereno
Hindi makikialam si Pangulong Rodrigo Duterte sa impeachment complaint na isinampa ng grupong Volounteers Against Crime and Corruption o VACC laban kay Chief Justice Maria Lourdes Sereno.
Sinabi ni Presidential Communications Assistant Secretary Ana Marie Banaag iginagalang ng Pangulo ang separation of powers kaya hindi nito panghihimasukan ang trabaho ng Kongreso na co-equal ng Executive department.
Ayon kay Banaag iginagalang ng Pangulo ang anumang hakbang ng isang complainant sa isang impeachable official alinsunod sa isinasaad ng saligang batas.
Hindi naman masabi ni Banaag kung magbibigay ng pahayag ang Pangulo na susuportahan niya o kontra sa pagsusulong ng impeachment case laban sa punong mahistrado gaya ng kanyang ginawa sa impeachment complaint laban kay Vice President Leni Robredo.
Ulat ni: Vic Somintac