Pagdiriwang ng ASEAN 50th Founding Anniversary sa Pilipinas, all set na
Handa na ang delegasyon ng Pilipinas sa pagdiriwang ng ika-limampung anibersaryo ng pagkakatatag ng Association of Southeast Asian Nations o Asean kung saan host ang bansa ngayong taon.
Magkakaroon ng simultaneous lighting sa iba’t-ibang lalawigan at munisipalidad sa bansa at maging sa iba pang Asean member states.
Ayon kay Queng Reyes, Program Manager ng Philippine Educational Theater Association o PETA, ang pagdiriwang ay sisimulan sa pamamagitan ng Grand Parade na gaganapin sa South Lane ng Roxas boulevard, mula sa Rizal Park hanggang sa Cultural Center of the Philippines o CCP.
Tinatayang nasa limandaang (500) contingents ang lalahok sa parade mula sa Department of Education o DepEd.
Pagsapit sa CCP Complex, doon na rin ipagpapatuloy ang iba pang programa gaya ng Street Dances at Concerts na lalahukan naman ng iba’t-ibang performers mula pa sa iba’t-ibang Asean member states.