Pondo para sa free college education program, tiniyak ng Kamara
Tiniyak ni House Appropriations Committee Chairman Karlo Alexei Nograles ang pondo para sa libreng tuition sa mga State Universities and Colleges , Local University and Colleges at TESDA schools.
Ayon kay Nograles, maari naman silang magsagawa ng adjustments sa 3.767 trillion pesos proposed 2018 national budget upang maipatupad ng lubos ang free college education program.
Sa 2017 budget, ₱8 billion ang inilaan sa higher education support funds para mapondohan ang libreng tertiary education sa mga SUC.
Kaugnay nito, sinabi ni Nograles na sisilipin ng kanyang komite ang budget proposals ng mga “under-performing agencies, under-spending offices, un-spent funds at un-utilized funds” sa 2017 budget.
Kabilang na rito ang mga unobligated projects bilang sources ng pondo mula ₱8 billion hanggang 16 billion para sa 2018.