Senado, maglalaan ng pondo para sa libreng college education
Tiniyak ng Senado na maglalaan sila ng sapat na pondo sa 2018 para sa edukasyon ngayong naisabatas na ang libreng matrikula sa State Universities and Colleges.
Ayon kay Senador Loren Legarda, Chairperson ng Senate Committee on Finance, isasama ang kailangang pondo para sa libreng tuition sa paghimay ng 2018 budget
Para naman kay Sen. Sonny Angara, Chairman ng Senate Committee on Ways and Means, mainam ang ginawa ni Pangulong Rodrigo Duterte sa kabila ng maraming nagpapayo na i-veto ang nasabing panukala.
Ayon kay Angara, gagawin nila ang lahat para maisakatuparan ang mga probisyon ng batas, lalo’t mahalagang bahagi sa implementasyon ang maayos na ugnayan ng ehekutibo, lehislatura at educational institutions.