Pangulong Duterte at US Secretary of State Rex Tillerson magpupulong sa Malakanyang
Nakatakdang magpulong sa Malakanyang sina Pangulong Rodrigo Duterte at US Secretary of State Rex Tillerson.
Inaasahang tatalakayin nina Pangulong Duterte at Secretary Tillerson ang ukol sa napipintong pagtungo sa Pilipinas ni US President Donald Trump sa ASEAN all leaders summit sa November gayundin ang economic at military relations ng Pilipinas at Amerika kasama ang isyu ng pinagtatalunang teritoryo sa South China Sea at ang nuclear tension sa Korean peninsula.
Magugunitang nagkaroon ng intriga sa diplomatic relation ng Pilipinas at Amerika dahil sa independent foreign policy ni Pangulong Duterte.
Ang Pilipinas ay mayroong standing treaty sa isyung pangseguridad na kinabibilangan ng Mutual Defense Treaty, Visiting Forces Agreement at Enhance Defense Cooperation Agreement.
Ulat ni: Vic Somintac