Trabaho ng COMELEC hindi apektado ng isyu laban kay Bautista
Hindi apektado ng kontrobersiyang kinakaharap ni COMELEC Chairman Andres Bautista ang trabaho ng Commission on Elections (Comelec).
Sa gitna ito ng akusasyon ng mismong misis ni Bautista na si Patricia Paz, na mayroong tagong yaman ang poll body chief na umaabot sa P1 billion pesos.
Ayon kay Comelec Spokesman James Jimenez npatuloy lamang ang trabaho ng poll body sa kabila ng isyu laban sa kanilang pinuno.
Giit pa ni Jimenez, hindi dapat makaapekto sa operasyon ng Comelec ang personal na problema ng namumuno rito.
Dagdag pa ni Jimenez bago pa man masangkot sa kontrobersiya si Bautista ay ginagawa na ng ahensiya ang mga paghahanda para sa SK at barangay elections.