Customs commissioner at iba pang opisyal na mapapatunayang nakipasabwatan para magpalusot ng droga, maaring makulong ng 6 hanggang 12 years

Kinakalampag ni Senador Sonny Angara ang Malacanang para sa implementasyon ng Customs Modenization and Tariff Act o batas laban sa mga delingkwentong opisyal at empleado ng Bureau of Customs.

Kasunod ito ng pag amin ng isang broker sa Customs na nagbibigay ito ng tara o lagay para mapabilis ang paglabas ng kanilang kargamento.

Ayon kay Angara, batay sa Section 1431 ng CMTA sinumang opisyal o empleado ng BOC ay maaring makulong ng anim hanggang 12 taon at pagmumultahin ng limandaang libo hanggang isang milyong piso kapag napatunayang nagpalusot o nakipagsabwatan para mapababa ang babayarang buwis sa gobyerno.

Sabi ni Angara, 2016 pa ipinasa ang batas para matigil na ang smuggling, maipatupad ang computerization program saBOC at matigil na ang human contact na nagiging dahilan ng kurapsyon.

Sa ilalim din ng batas, itataas ang sweldo ng mga taga customs batay sa kaninang performance para hindi na sila madawit sa mga kaso ng katiwalian.

Ulat ni: Mean Corvera

 

 

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *