BOC Import Assessment Service Director Milo Maestrecampo, nagbitiw na sa pwesto

Nagpasya nang magbitiw sa pwesto ang isa sa mga opisyal ng Bureau of Customs na dawit sa isyu ng payola.

Sa isang pahinang sulat kay Pangulong Duterte na may petsang August 8, 2017, sinabi ni Import Assessment Service Director Milo Maestrecampo na minarapat niyang bumaba na lamang sa pwesto para maipaglaban ang integridad at sa ngalan na rin ng delikadesa.

Si maestrecampo ay isa sa mga pinangalanan ng Customs broker na si Mark Taguba na tumatanggap ng suhol para maiproseso ang kanyang shipment.

Pero, hindi irrevocable ang ihahaing resignation ni Maestrecampo.

Tiniyak ni Maestrecampo na handa siyang makipagtulungan sa imbestigasyon para linisin ang kanyang pangalan.

Ulat ni : Moira Encina

 

 

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *